FREQUENTLY ASKED QUESTIONS ON LET - JANUARY 30, 2022 IN LUCENA CITY

 

LICENSURE EXAMINATION FOR PROFESSIONAL TEACHERS ON JANUARY 30, 2022 IN LUCENA CITY
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS:
Q: Ano po ang ibig sabihin ng “valid within 72 hours from the time of testing” na tinutukoy nyo sa post nyo?
A: Ibig sabihin po nito, January 27, 2022 ang pinaka-maagang date na pwede kayo magpa RT-PCR test.
Q: Pwede po ba ang Saliva Test?
A: Opo, Ang Saliva Test at isang uri rin ng RT PCR. Basta poi to ay ginawa sa Philippine Red Cross na siyang accredited ng DOH.
Q: Okay lang po ba na hindi ito administered ng Red Cross?
A: Hindi po tatanggapin ang result kung hindi ginawa sa Philippine Red Cross dahil ito lang ang accredited ng DOH.
Q: Pwede po ba antigen lang?
A: Hindi po pwede. Ang kailangan po ay RT-PCR Test (oropharyngeal at nasopharyngeal or Saliva Test) ayon sa requirement ng Regional Task Force (RTF).
Q: Kapag po ba non-vaccinated or partially vaccinated, hindi sila papayagan makapag exam?
A: Sa ngayon, ang mga fully vaccinated lamang po ang allowed na makapag exam ayon sa approval ng Regional Task Force. Ang mga examinees na hindi pa fully vaccinated ay maaring magrequest ng deferment at ipadala sa aming email address (ro4a@prc.gov.ph)
Q: Kung fully vaccinated na po, kailangan pa po na magpa RT-PCR Test?
A: Opo, kailangan pa rin po ang negative RT-PCR Test result..
Q: Pano naman po kung wala talagang pang paswab? Paano naman po kami magpapasa ng letter sa PRC?
A: Kailangan po talaga makumpleto ang mga hinihinging requirements (fully vaccinated, negative RT-PCR test result at approved S-Pass). Kung hindi po makukumpleto, mage-mail po sa r04a@prc.gov.ph ng inyong request for deferment. Kayo po ay maisasama sa September 2022 licensure examination ng walang karagdagang examination fee.
Q: Paano po ang processing ng deferment at saka aabot parin po ba sya kung sakali na magpasa kami?
A: Maari po kayong mag e-mail ng inyong request for deferment hanggang February 06, 2022 o pitong (7) araw pagkalipas ng examination sa January 30, 2022.
Q: Kailangan pa din ba ng S-pass kahit dito lamang galing sa Quezon ang examinee?
A: Kailangan po ang S-Pass. Ang hindi lamang po hihingan ng S-Pass ay yung mga taga Lucena lang.
Q: Paano po kung fully booked na ang DOT accredited hotels? Kailangan po bang mag stay sa accredited hotel?
A: Kayo po ay hinihikayat na magbalikan sa inyong lugar sa araw ng pagsusulit. Ngunit kung hindi po, kailangan nyong magstay sa DOT accredited accommodation.
Q: Sa pagfill-up po ng Annex A and B, need po ba na handwritten ang sulat o need po na nakatype?
A: Pede po kahit alin sa dalawang nabanggit na paraan.
Q: Saan po makukuha yong request for deferment?
A: Wala pong specific format ang request for deferment. Kayo po ang gagawa ng liham na ipagpapaliban muna ang pagkuha ng pagsusulit.
Q: Saan po makuha yong Annex A and B?
A: Makikita po ang Annex A and B sa mga links na nakalagay sa advisory.
(End)

SLRC CALABARZON

The leading and premier review center in the Philippines for Criminology (CLE), Nursing (NLE), Professional Teachers (LET), and Civil Service (CSE).

Post a Comment

Previous Post Next Post